Barangay captain sa Palawan arestado dahil sa iligal na droga

Hinalughog ang bahay ng isang barangay captain sa Barangay Pagkakaisa sa Puerto Princesa, Palawan kung saan naaresto ito dahil sa pag-iingat ng iligal na droga.

Nakilala ang suspek na si Angelito Arriesgado, 50 taong gulang at pinuno ng nasabing barangay.

Ayon kay Superintendent Imelda Tolentino, information officer ng MIMAROPA Regional Police, hinalughog ang bahay ni Arriesgado sa pamamagitan ng search warrant kung saan narekober ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre 38 revolver, at apat na mga bala.

Dahil dito ay mahaharap ang barangay captain sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang inaalam pa kung lisensyado ba ang nakumpiskang baril mula sa kanyang bahay.

Read more...