Ruta ng mga barko na Mindanao-Manila bubuhayin ni Duterte

Inquirer file photo

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Transportation Sec. Arthur Tugade na buksang muli ang mga isinarang ruta ng barko na may biyaheng Mindanao patungong Maynila.

Sa taumpati ng pangulo kagabi sa Cagayan De Oro City, sinabi ni Duterte na nakadidismaya dahil wala nang masakyan ang mga mahihirap patungo sa Maynila.

Natatakot aniya ang ilang pasahero na sumakay ng eroplano.

Partikular na tinukoy ng pangulo ang nahintong biyahe ng barko mula Davao City papuntang Maynila.

Mahalaga anya ang mga ruta ng barko mula sa ibang lalawigan patungong Maynila dahil may mga bagay na naisasakay ng pasahero sa barko na bawal sa mga eroplano.

Dagdag ng pangulo, handa anya ang kanyang administrasyon na i-subsidized ang pagbubukas ng ilang isinarang ruta ng barko sa pamamagitan ng tax exemption.

Read more...