Castelo: Pagdisiplina sa mga tambay ipaubaya sa mga barangay tanod

Inquirer file photo

Hinikayat ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang pamahalaan na ipaubaya na lamang sa mga barangay tanod ang ginagawang panghuhuli sa mga tambay.

Ayon kay Castelo, well-trained ang mga barangay tanod sa mga kaso ng bagansya at kabisado ng mga ito ang kanilang teritoryo at ang mga tao sa kanilang komunidad.

Sinabi ng kongresista na ang mga ginagawa ng mga barangay tanod ay katulad din ng functions ng pulisya na nagpapatupad ng peace and order maliban na lamang na hindi sila armado ng mga baril kundi mga batuta lamang.

Idinagdag pa niya na mababawasan ang kritisismo ng publiko sa Oplan Tambay kung ang magpapatupad nito ay ang hindi prone sa pag abuso sa kanilang tungkulin tulad ng barangay tanod.

Bukod dito, mas madiplomasya anya ang mga barangay tanod sa pakikipag usap sa mga lumalabag sa mga ordinansa o batas.

Read more...