Carpio itinutulak ng IBP bilang bagong chief justice

Inquirer file photo

Inindorso ng Integrated Bar of the Philippines o IBP ang otomatikong nominasyon ni Senior Associate Justice Antonio Carpio bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema.

Ito ang napagkasunduan ng board of governors ng IBP.

Ayon kay IBP National President Abdiel Dan Elijah Farajardo, pinunto ng IBP na si Carpio ang pinaka-senior sa hanay ng mga mahistrado sa Kataas-taasang Hukuman.

Higit dito, sinabi ng IBP na si Carpio ang pinaka-kwalipikado na manguna at mamuno sa Korte Suprema at sa buong hudikatura.

Si Carpio ay kasalukuyang Acting Supreme Court Chief Justice makaraang mapatalsik sa kanyang posisyon si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Gayunman, nauna nang tinanggihan ni Carpio ang anumang nominasyon sa katwirang ayaw niyang makinabang naging pasya ng Korte Suprema sa Quo Warranto decision laban sa napatalsik na si dating Chief Justice.

Read more...