LOOK: Cancelled flights ngayong araw, June 26, 2018

Kanselado na ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw ng Martes, June 26 dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado na ang flights DG 6057 at 6058 Manila – Busuanga – Manila ng CebGo.

Pinayuhan na ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company.

Maari silang mag-request ng rebooking o ‘di kaya ay refund sa ibinayad nilang pamasahe.

 

Read more...