Nakaranas ng heavy hanggang intense na pag-ulan sa maraming lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Sa 11:30AM thunderstorm advisory ng PAGASA, ang malakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin sa Quezon City, Marikina, Pasig Mandaluyong, Pateros, San Juan, at Makati; sa mga bayan ng Cainta, Taytay, Antipolo, Teresa, at Angono sa Rizal; mga bayan ng Gen. Trias, Naic, Trece, Maragondon, Gen. Emilio, at Magallanes sa Cavite; mga bayan ng San Pascual, Bauan, San Luis, Alitagtag, at P.Garcia sa Batangas; mga bayan ng Majayjay, Sta Maria, Famy, at Mabitac sa Laguna at sa mga bayan ng Gen. Nakar, Infanta, Real, at Tayabas sa Quezon.
Sa abiso ng PAGASA dalawang oras na iiral ang nasabing panahon na nararanasan sa mga nabanggit na lugar.
Pinayuhan ang lahat na maging maingat sa posibleng epekto nito gaya ng biglaang pagbaha sa mabababang lugar.