Ito ay dahil sa umano ay pagiging bias ni Delgra sa pagkakaloob ng prangkisa sa mg apublic utility vehicles (PUVs).
Inihain ni Alliance for Concerned Transport Organizations president Efren de Luna ang kasong paglabag sa section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Delgra at kay LTFRB Board Member Ronaldo Corpus.
Sa kaniyang complaint-affidavit, sinabi ni De Luna na sina Delgra at Corpus ay nakitaan ng pagpabor sa ilang transport groups na nag-aapply ng Certificates of Public Convenience (CPC) para sa kanilang mga bagong ruta.
Ayon kay De Luna, matapos maaprubahan ang prangkisa ng ilang transport groups ay isinara na ng LTFRB ang aplikasyon para sa mga ruta.
Kabilang sa mga tinukoy na ruta ni De Luna ang Panglao Airport patungong Tagbilaran City Pier sa Bohol, Cordova patugong Lapu-Lapu City sa Cebu, at ang Puerto Bugo patungong Waterpark Resort sa Opol, Misamis Oriental.
Umapela din si De Luna sa Ombudsman na suspindihin si Delgra at Corpus.