LOOK: Colorum van huli ng I-ACT; uniform, iba pang gamit ng pulis nakita sa sasakyan

I-ACT Photo

Huli sa isinagawang operasyon ng Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT ang isang colorum na van.

Ang van na mayroong plate number na UPY 422 ipinapasada nang ito ay maharang sa operasyon ng I-ACT sa Maynila.

Ayon sa I-ACT nang inspeksyunin nila ang loob ng sasakyan, nakita nila ang mga PNP commemorative

I-ACT Photo

plate, uniporme ng pulis, at unlicensed na two-way radio.

Pinapaimbestigan na nina I-ACT Task Force Commander Gen. Manny Gonzales at PNP-HPG SSupt. Oliver Tanseco ang naturang insidente.

Samantala, sa parehong operasyon, nahuli din ng I-ACT ang isang kapitan ng barangay na nagmamaneho ng motorsiklo ng naka-tsinelas lang.

Nakiusap pa ang kapitan na huwag na siyang tiketan pero hindi ito pinagbigyan ng I-ACT.

Read more...