Metro Manila at mga kalapit na lalawigan apektado ng malakas na ulan

Nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan na Batangas, Bataan at Bulacan.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 10:05 ng umaga, malakas na pag-ulan ang nararanasan sa nasabing mga lugar na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin.

Parehong sitwasyon din ng panahon ang naranasan sa mga bayan ng Sta. Maria, bitac, Famy, Siniloan, Pangil at Pakil sa Laguna; Pililia, Tanay at Baras sa Rizal; Imus, Gen. Trias, at Tanza sa Cavite at sa mga bayan ng Gen. Nakar, Infanta at Real sa QUezon,

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Read more...