Maine Mendoza maglalabas ng album sa ilalim ng Universal Records

Maglalabas na ng album si Maine Mendoza sa ilalim ng Universal Records Philippines.

Kinumpirma ito sa Instagram Account ng Universal Records.

Noong nakaraang mga linggo naglabas na ng teaser ang nasabing recording company kung ipinakita ang larawan ng isang baba na nakatalikod, nakasuot ng leather jacket at may caption na “Soon”.

At kamakailan, nagpost ng video sa IG ang Universal Records na may hastag na “TheBigReveal” kung saan makikita si maine na nakasuot ng parehong leather jacket at sumasayaw.

Nabatid na si Ito Rapadas na vocalist at composer ng Neocolours ang magpo-produce ng album ni Maine.

Excited naman ang lahat sa kung ano ang genre ng mga awitin ni Maine na naging tanyag sa kaniyang pagda-dubsmash.

 

Read more...