National cultural heritage award ibinigay kay Apo Whang-od

Natanggap na ni tattoo artist Apo Whang-od Oggay na ang national cultural heritage award mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Binigyan si Whang Od ng 2018 Dangal ng Haraya Award for Intangible Cultural Heritage ng NCCA.

Ang naturang pagkilala ay ibinibigay sa mga Pinoy para sa kanilang nakamit sa kanilang larangan na may ambag sa kultura ng bansa.

Sa edad pa lang na 15 ay nagsimula na bilang tattoo artist si Apo Whang-od gamit ang tradisyunal na pamamaraan.

Dinarayo pa ng mga lokal at dayuhang turista si Whang-od para magpa-tattoo.

Kabilang sa mga dati nang napagkalooban ng nasabing pagkilala ay ang manunulat na si Susan Calo Medina, dating Senador Edgardo Angara, architect Augusto Villalon, Senator Loren Legarda, at ang multi-talented artist na si Dr. Jesus Peralta.

Read more...