Mga mambabatas na pabor gawing legal ang marijuana pinagma-migrate sa Canada

Radyo Inquirer File Photo

Hinikayat ni Deputy Minority Leader at Buhay Rep. Lito Atienza na mag-migrate sa Canada ang mga mambabatas na pabor na gawing legal ang paggamit ng marijuana sa bansa.

Ayon kay Atienza, sa halip na ipagpilitan ang legalisasyon ng marijuana ay dapat lumipat na sa Canada ang mga nagsusulong nito.

Sinabi ni Atienza na libre ang mga itong makakahithit gaano man kadaming marijuana ang gusto.

Pahayag ito ni Atienza kasunod ng pagpasa sa kongreso ng Canada ang recreational use ng marijuana.

Sinabi naman ni Isabela Rep. Rodito Albano, may akda ng panukalang gawing legal ang medical marijuana na nakabitin sa kamara, parang high magsalita si Atienza dahil pinalalabo nito ang tunay na isyu.

Nilinaw din nito na hindi recreational use of marijuana ang kanyang isinusulong kundi ito ay para sa mga may sakit na naghahanap ng alternatibong gamot.

Read more...