WATCH: Lalaki patay sa pananambang sa QC

Kuha ni Ronie Blaza

Patay matapos tambangan ang isang lalaki sa Batasan sa Quezon City.

Ayon sa mga tauhan ng Quezon City Police District, nakasakay ng ng motorsiklo ang biktima nang bigla itong pagbabarilin ng suspek sa bahagi ng Sampaguita Road kanto ng IPB Road.

Kitang-kita naman ng ilang nakapila sa gate ng DSWD Central Office ang pananambang na naganap alas 4:00 ng madaling araw kanina.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang biktima pero hindi rin ito umabot ng buhay.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa pamamaslang.

Read more...