Gamot na may sangkap na marijuana at makatutulong sa seizure inaprubahan ng US-FDA

Inaprubahan na ng Food and Rug Administration sa US ang kauna-unahang gamot na mayroong sangkap o gawa sa marijuana.

Itinuturing itong milestone sa larangan ng medisina.

Ang gamot na “Epidiolex” ay kayang magamot ang dalawang rare type ng epilepsy sa mga edad na dalawang taon pataas.

Strawberry-flavored syrup ang gamot at mayroong chemical na mula sa cannabis plant.

Ang nasabing ingredient ay tinatawag na cannabidiol o CBD at nakapagpapabawas ng seizures sa mga taong may epilepsy.

Isinailalim sa pag-aaral ng British drugmaker na GW Pharmaceuticals ang nasabing gamot sa mahigit 500 mga bata at nakatatanda na nakararanas ng seizures.

Sinabi ni FDA chief Scott Gottlieb ilang taon ang ginawanign research sa cannabis-derived products.

Ayon sa FDA, lumitaw sa pag-aaral na nakababawas ng seizure ang naturang gamot kapag isinabay sa dati nang mga gamot na ginagamit sa epilepsy.

Read more...