Dalawang nanloob sa burger chain patay sa engkwentro sa Cavite

Patay ang dalawang suspek sa panghoholdap makaraang maka-engkwentro ng mga pulis.

Ayon sa ulat ng Cavite Provincial Police Office, hinoldap ng dalawang suspek ang isang burger chain sa Barangay Alapan Dos B.

Agad namang nakapagsumbong ang nakabantay sa tindahan dahilan para magkasa ng follow up operation ang mga otoridad.

Nang mamataan sa isang check point ay pinaharurot pa ng mga dalawang suspek ang sinasakyan nilang motorsiklo dahilan para mauwi sa habulan at engkwentro ang insidente.

Natuklasan naman ng mga pulis na nakaw din ang gamit na motorsiklo ng dalawang suspek.

Read more...