Tattoo artist arestado sa buy-bust sa Marikina

Marikina City Police

Arestado ang drug suspect sa ikinasang drug buy-bust operation sa Marikina City.

Isinagaw anag operasyon ng mga tauhan ng Special District Enforcement Unit ng Marikina City Police sa Barangay San Roque alas 10:00 kagabi.

Nagresulta ito sa pagkaka-aresto sa suspek na si Rex Ramos – 39 anyos at isang tattoo artist.

Ayon sa mga otoridad wala sa listahan ng drug watchlist ang suspek at bago lamang sa kalakaran ng ilegal na droga.

Nakuha sa kaniya ang P500 na buy-bust money at mga drug paraphernalia.

Mahaharap sa kasong paglabag sa dangerous drugs act si Ramos.

 

Read more...