Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Santa Cruz sa Occidental Mindoro.

Naitala ang lindol sa 20 kilometers North East ng bayan ng Santa Cruz alas 6:28 ng umaga.

May lalim na 20 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Unang sinabi ng Phivolcs na 3.8 ang magnitude ng lindol pero itinaas ito kalaunan.

Dahil sa nasabing lindol naitala ang intensity II sa Calapan City at Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinala at afterschocks.

Read more...