Panibagong rollback sa produktong petrolyo, epektibo ngayong araw

Epektibo mamayang alas sais ng umaga ang rollback sa mga produktong petrolyo matapos ang pagbaba ng halaga nito sa pandaigdigang merkado.

Nasa P1.15 kada litro ang tapyas sa presyo ng gasolina habang nasa P0.90 ang bawas sa kada litro ng diesel at P0.85 kada litro ng kerosene.

Unang nag-anunsyo ng naturang rollback ay ang mga kumpanya ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, PTT Philippines, Seaoil, Flying V, Total, Phoenix Petroleum, Chevron at Eastern Petroleum.

Ang bawas presyo para sa mga import-dependent countries tulad ng Pilipinas ay panandaliang ginhawa lamang at maaring magbago uli sa susunod na linggo depende sa galawa ng presyo sa international market.

Read more...