Walang namonitor na iregularidad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pag-landing sa ikalawang beses ng military plane ng China sa Davao City.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo, ito rin ang unang eroplano ng China na nag-landing sa Davao City.
Ang pag-landing aniya ng Chinese aircraft ay dumaan sa paghingi ng permiso.
Sumailalim aniya ang naturang eroplano sa tamang proseso ayon sa record form ng Department of National Defense (DND).
Ang naturang pag-landing ay para lang sa pag-refuel at pagkatapos nito ay umalis na ang nasabing aircraft.
Papunta aniya ang naturang eroplano sa New Zealand para dumalo sa Sky Train 2018 exercise.
Unang nag-landing ang Chinese aircraft sa Davao City noong June 8.
MOST READ
LATEST STORIES