Pangulong Duterte, walang balak na manatili sa kapangyarihan

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang plano manatili sa kapangyarihan.

Ayon kay Duterte, wala siyang hinihinging karagdagdang kapangyarihan.

Kaugnay ito ng pagtulak niya na maging pederalismo ang porma ng gobyerno ng Pilipinas.

Binigyang diin ni Duterte na hindi siya ganid sa kapangayarihan.

Buong buhay aniya niya ay laging kapiling niya ang kapangyarihan kung saan lumaki siya na ang tatay niya ay isang gobernador.

Sinabi rin nito na nasa kapangyarihan siya sa loob ng 23 taon at dahil dito ay malayo sa droga at kriminalidad ang ang Davao City hindi kagaya ng ibang lugar sa bansa.

Read more...