Sa kanyang talumpati sa harap ng mga bagong halal na Barangay Chairpersons sa Region 10 na ginanap sa Cagayan De oro City, sinabi ng pangulo na hindi aniya dapat na itigil ang Anti Tambay oeprations hanggat hindi sinasabi ng Korte Suprema na ilegal ang kanyang utos.
Paniwala ng pangulo, legal kasi ang kanyang anti policy dahil sa mga umiiral na lokal na ordinansa.
Maging sa amerika aniya ay ginagawa rin ang pangangapkap sa mga tambay.
Utos ng pangulo sa mga pulis, huwag maniwala at huwag pansinin ang mga batikos.
READ NEXT
Pangulong Duterte, binuweltahan ang kanyang mga kritiko kaugnay ng sinabi niyang ‘Stupid God’
MOST READ
LATEST STORIES