Pangulong Duterte, binuweltahan ang kanyang mga kritiko kaugnay ng sinabi niyang ‘Stupid God’

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko kaugnay sa isyu ng pagtawag niya ng “stupid” sa Diyos.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga bagong halal na Barangay Chairpersons sa Region 10 na ginanap sa Cagayan De Oro City ay sinabi ng pangulo na hindi dapat kwestiyunin ang kanyang pananampalataya sa kinikilala niyang panginoon.

Hindi umano ito ang sinasamba ng ilang mga obispo na sangkot rin naman sa iba’t ibang kaso ng katiwalian at kalokohan.

Ang sinabi umano ng pangulo na ‘stupid god’ ay hindi nangangahulugan na binastos niya ang pinaniniwalaan niyang Diyos dahil hindi ito ang kanyang pakahulugan sa kanyang mga sinabi.

Kung may mga nasaktan umano sa kanyang sinabi ay hindi na siya magtataka kung gagamitin ang nasabing isyu sa pamumulitika.

Read more...