CBCP gaganti sa banat ng pangulo sa simbahan

Magpupulong ang mga obispo ng Simbahang Katolika para talakayin ang pahayag ni Pangulong Rodrigo na istupido ang Diyos.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishio Broderick Pabillo, isang pag-insulto at pambabastos ang banat ng Pangulo ukol sa Diyos at sa istorya ng creation sa Bibliya.

Sinabi ni Pabillo na ang kritisismo ni Duterte sa simbahan ay diversionary tactics lamang para pagtakpan umano ang kahinaan ng kanyang administrasyon kabilang ang umano’y kawalan ng aksyon laban sa China.

Sa kanyang talumpati noong Biyernes ay binira ng Pangulo ang istorya sa Bibliya kung saan tinukso ng ahas si Eba na kainin ang ipinagbabawal na pagkain na ibinigay naman nito kay Adam.

Ayon sa Pangulo, hindi niya maintindihan kung bakit gumawa ng perpekto ang Diyos na sisirain lang nito.

Pero paliwanag ng Malacañang, personal ang pahayag ng pangulo at may sarili itong spirituality.

Dahil sa kontrobersya ay magpupulong ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa susunod na linggo para pag-usapan ang isyu.

Read more...