Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko kaugnay sa isyu ng pagtawag niya ng “stupid” sa diyos.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga bagong halal na barangay chairpersons sa Region 10 na ginanap sa Cagayan De Oro City ay sinabi ng pangulo na hindi dapat kwestiyunin ang kanyang pananampalataya sa kinikilala niyang panginoon.
Hindi umano ito ang sinasamba ng ilang mga obispo na sangkot rin naman sa iba’t ibang kaso ng katiwalian at kalokohan.
Ayon kay Duterte, “I said your God is not my God because your God is stupid. My God has common sense”.
Hindi umano ito nangangahulugan na binastos niya ang pinaniniwalaan niyang diyos dahil hindi ito ang kanyang pakahulugan sa kanyang mga sinabi.
“Why do you bind me with something very stupid? Binigyan ako ng Diyos ng isip”, ayon pa sa pangulo.
Kung may mga nasaktan umano sa kanyang sinabi ay hindina siya magtataka kung gagamitin ang nasabing isyu sa pamumulitika.
Dagdag pa ni Duterte, “I believe in a universal being. There is someone there more supreme than the gods of men”.