Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagsasagwa ng pagpapatrol sa lugar ang mga tauhan ng 1st Platoon ng 805th Company ng Regional Mobile Force Batallion ng maka-enkwentro nila ang ilang armadong kalalakihan.
Tumagal ng 20 minuto ang bakbakan at hindi umatras ang grupo ni C/Insp. Don Arhie Suspeñe na siyang pinuno ng nasabing pwersa ng PNP.
Pero sa kasamaang palad ay anim sa kanyang mga tauhan ang patay na pawang may mga ranggong PO1 at siyam ang naitalang sugatan na ngayon ay ginagamit sa magkakahiwalay na ospital.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-Samar ay kanilang natuklasan na mga sundalo ang namaril sa nasabing mga pulis.
Ang nakabarilan ng mga pulis ay ang grupo ni 1Lt. Orlando Casipit Jr. ng 87th Infantry Batallion ng Philippine Army.
May kasamang 16 na enlisted personnel si Casipit nang maganap ang misencounter na ngayon ay iniimbestigahan na ng PNP at AFP.