PDEA hinamon na drug lords at hindi mga estudyante ang puntiryahin sa war on drugs

Inquirer file photo

Pinagtataka ni Senator Chiz Escudero na tila pabaligtad ang target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa anti-drug campaign nito.

Aniya ang dapat na inaatupag ng PDEA ay ang pagputol sa supply ng droga na kadalasan ay nagmumula pa sa ibang bansa, partikular sa China.

Ngunit sinabi ni Escudero sa halip na papunta sa ulo ay pababa ang nais ng PDEA dahil sa planong drug testing na rin sa elementary pupils.

Dagdag pa ng senador, maganda na gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magandang relasyon nito kay Chinese President Xi Jin Ping para solusyonan ang problema ng dalawang bansa sa droga.

Paalala pa ni Escudero, dalawang taon na ang administrasyon ngunit hindi pa natutupad ang pangako ni Pangulong Duterte na wawakasan na ang problema sa droga sa bansa.

Nauna nang ipinanukala ng PDEA na magkaroon ng random drug test sa mga batang mag-aaral dahil sa problema ng iligal na droga sa bansa.

Read more...