Malacañang may mga whistleblower laban sa grupo ni Abaya

Inquirer file photo

Ikinatuwa ng Malacañang ang naging hakbang ng Office of the Ombudsman na kasuhan na ng graft si dating Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya at labing anim na iba pa dahil sa maanomalyang P4.2 Billion na maintenance contract na pinasok ng gobyerno sa Metro Rail Transit (MRT 3).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, panahon na para mapanagot ang mga opisyal ng pamahalaan na responsable sa pagwawaldas sa pera ng taong bayan.

Wala na ring balak si Roque na ilantad pa sa publiko ang kanyang mga hawak na whistleblower sa kontrobersiya sa MRT.

Pero sinabi ng opisyal na malaki ang nalalaman ng mga ito hingil sa nasabing anomalya na pinasok ng nakaraang pamunuan ng MRT at Department of Transportations and Communication sa ilalim ni Abaya.

Paliwanag ni Roque, nasampahan na kasi ng kaso si abaya at iba pang mga dating opisyal ng pamahalaan.

Gayunman, tiniyak ni Roque na magiging available ang mga whistleblower kapag kinailangan sa takbo ng imbestigasyon.

Read more...