3 tauhan ng BIR huli sa pangongotong

Photo: PACC/Greco Belgica

Tuluyan nang sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa probisyon ng Republic Act 6713 o Code Of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang tatlong Special Investigators ng Bureau of Internal Revenues (BIR).

Ito ay makaraan silang arestuhin sa isang entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau Of Investigation (NBI) at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Nakatalukbong ang tatlong suspect nang ipresenta sila sa press conference sa punong-tanggapan ng NBI sa Taft Avenue, Manila.

Ayon kay PACC Chairman Dante Jimenez, kanilala ang mga kinasuhan dahil sa extortion activities ang mga suspek na sina Arturo Buniol, Gary Anastacio at Edgardo Javier, pawang mga nakatala bilang Special investigators sa BIR-Regional Investigation Division.

Nauna rito ay inereklamo ng may-ari ng isang Chinese restaurant ang tatlo nang singilin umano siya ng mga ito ng P1.2 Million bilang tax liability sa kabila na isang taon pa lamang nag-ooperate ang kanyang negosyo.

Bunsod nito ay nagsumbong sa NBI ang hindi pinangalanang complainant kung saan ay ikinasa ang entrapment operation laban sa tatlo sa isang restaurant sa Greenhills, San Juan City.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Special Task Force ng PACC kung saan mismong si PACC Commissioner Greco Belgica ang nagpanggap bilang accountant.

Makaraan nilang tanggapin ang marked money ay kaagad na inaresto ang mga suspek.

Read more...