WATCH: “Who is this stupid God” na pahayag ni Pang. Duterte, hindi pang-iinsulto ayon sa Malakanyang

Nilinaw ng Malakanyang na hindi pang-iinsulto kundi kinukwestyon lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglikha ng Panginoon nang sabihin nitong “Who is this stupid God?

Paliwanag ni Chief Presidential Legal Counsel Salavdor Panelo, naniniwala ang pangulo sa Panginoon.

Hindi lang aniya sumusunod ang pangulo sa mga ritwal ng isang relihiyon.

Sinabi pa ni Panelo na hindi ang buong institusyon ng Simbahang Katolika ang binabatikos ng pangulo kundi ang mga ipokritong pari lamang na nagkakasala.

Dagdag pa Pi panelo, hindi rin pagle-lecture ang ginagawa ng pangulo kundi paglalabas lamang ng kanyang saloobin patungkol sa relihiyon.

Naniniwala din si Panelo na walang nilalabag na legal na batas ang pangulo nang batikusin nito ang Simbahang Katolika.

Read more...