LOOK: Celebrity couple Richard Gutierrez at Sarah Lahbati nagdiwang ng anniversary sa Switzerland

Muling nagbakasyon ang celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Switzerland.

Bumalik sa dalawa sa naturang bansa para ipagdiwang ang kanilang ika-anim na anibersaryo bilang magkarelasyon.

Sa kaniyang Instgram account, nag-post si Sarah ng mga litrato kung saan makikita ang masayang bakasyon kasama si Richard.

Naging magkasintahan ang dalawa noong 2012 at may anak na sina Zion at Kai.

Inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement noong July 2017.

Read more...