Lalaking nag-holdap sa tapsihan arestado sa Makati

Arestado ang isang hinihinalang holdaper sa Barangay Rizal, Makati City bandang 5:30, Lunes ng madaling-araw.

Batay sa imbestigasyon, abala ang nagreklamo na si Patrick Cawit, 21-anyos, sa loob ng isang Tapsihan nang biglang nagdeklara ng holdap ang suspek na si Alexander Abelamo, 43-anyos, habang hawak ang isang kitchen knife.

Kinuha ng suspek ang koleksyong benta ni Cawit na aabot sa P3,000 at isang Samsung J2 Prime cellhone na nagkakahalaga ng P6,000.

Agad namang naaresto ang suspek ng ipagbigay-alam ni Cawit ang krimen sa pulisya.

Nakuha mula sa suspek ang isang kitchen knife na tinatayang 9 inches ang haba at itim na jacket na pinaniniwalaang ginamit mag-disguise.

Hindi naman na nabawi ang nanakaw na cellphone nang maaresto ng pulisya.

Read more...