Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sakop ng “kalayaan sa pananampalataya ang walang pinaniniwalaang pananampalataya”.
Sinabi ni Roque na sa tingin niya ay mayroong personal na spirituwalidad ang pangulo at entitled ang pangulo para sa kaniyang pansariling spiritual belief.
Maari aniyang ang mga deklarasyong ito ng pangulo ay galing pa sa kaniyang karanasan noong siya ay bata na diumano ay naabuso siya ng isang pari.
Kasabay nito hinikayat ni Roque ang simbahan na tugunan ang mga reklamo ng pang-aabuso laban sa mga pari.
MOST READ
LATEST STORIES