Tayyip Erdogan wagi sa katatapos lang na presidential election sa Turkey

AP Photo

Nagwagi sa katatapos lang na presidential election sa Turkey si Tayyip Erdogan.

Kinumpirma ng electoral body ng Turkey na nalagpasan ni Erdogan ang maituturing na pinakamatinding electoral challenge sa loob ng mahigit isang dekada at kalahati niyang panunungkulan sa pwesto.

Ayon kay Electoral board Chairman Sadi Guven mahigit 97 percent na ng boto ang nabilang at si Erdogan ang nakakuha ng mayorya ng boto.

Sa unofficial results na inilabas din sa Turkish television lumitaw na nagwagi ang ruling party.

Hindi pa naman nagpapahayag ng pag-concede ang oposisyon.

Sa kaniyang pagharap naman sa mga tagasuporta, sinabi ni Erdogan na agad niyang uumpisahan ang mga ipinangako niya sa sambayanan.

Read more...