Colombia nakapagtala ng 3-0 sa FIFA World Cup; Poland napatalsik nsa laban

Nasipa na sa World Cup ang Poland matapos matambakan ng Colombia sa iskor na 3-0 sa kanilang laban kahapon sa Kazan Arena, Kazan, Russia.

Nakapagpasok ng goals ang Colombia sa pangunguna ng offensive trio ng bansa na sina Radamel Falcao, Yerry Mina at Juan Cuadrado.

Sinimulan ni Yerry Mina ang goal sa 40th minute habang halos magkasunod na nagpasok ng goals sina Falcao at Cuadrado sa 70th at 75th minute.

Isa itong ‘big comeback’ sa Colombia matapos matalo ng Japan noong nakaraang linggo.

Gayunman, nanatili pa rin sa ikatlong bansa sa Group H matapos maitala ang draw sa pagitan ng Japan at Senegal sa iskor na 2-2 Linggo ng umaga.

Samantala, nagtapos na ang World Cup ng journey ng Poland dahil ang dalawang beses na pagkatalo nito ay nangangahulugan na hindi na sila aabante pa sa torneo.

Read more...