25 sugatan sa pagsabog ng isang gusali sa Germany

AP Photo

Sugatan ang 25 katao habang apat ang seryoso ang kondisyon matapos sumabog ang isang gusali sa Wuppertal City, Germany.

Nagsitakbuhan palabas ang mga residente dahil sa panic matapos ang pagsabog hatinggabi ng Sabado.

Ayon sa pulisya, kasalukuyan na nilang iniimbestigahan ang sanhi ng pagsabog at hindi pa sila sasagot sa mga tanong kung may kinalaman ito sa terorismo.

Sumiklab din ang sunog na nag-iwan ng butas sa hanay ng mga apartment at nagsanhi para magkalat ang mga debris sa lansangan at sa itaas ng isang kotse.

Ayon naman sa fire department kinumpirma ng mga residente na wala ng tao sa bahay na nasunog.

Sa pahayag ng pulisya, sinabi nitong limang katao pa ang nananatili sa mga pagamutan kung saan tatlo pa ang malubha ang lagay.

Kinakailangan ng mga awtoridad na gibain ang natitirang bahagi ng nasunog na gusali dahil magiging mapanganib umano sa mga imbestigador na makakalap ng ebidensya sa pagsabog dahil maaaring bumagsak ang establisyimento anumang oras.

Read more...