Agad na binawian ng buhay ang isang hindi pa nakikilalang babae habang naisugod pa sa Malvar Hospital ang isa pa na nakilalang si Aracelli Alvarez.
Gayunman dahil sa tama ng mga bala sa katawan ay binawian din ng buhay si Alvarez.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nasa loob lamang ng tindahan ang dalawa ng pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek lulan ng motorsiklo.
Ang isa ay lumapit sa bintana ng tindahan at malapitang pinagbabaril ang dalawa.
Patuloy na iniimbestigahan ang motibo ng insidente ngunit ayon sa kaanak ni Alvarez may mga nakaalitan ang biktima tungkol sa pera at agawan sa bahay.
MOST READ
LATEST STORIES