Iginiit ni Go na ang paglapag ng naturang aircraft sa Davao City, na balwarte ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tinanggap, iprinoseso at pinayagan ng mga concerned agencies ng pamahalaan.
Ani Go, nag-refuel lamang ang naturang eroplano, pinayagan at sumunod sa mga kaukulang kondisyon ng gobyerno kahalintulad ng naging paliwanag ni Presidential Spokesperon Harry Roque.
Hinamon ni Go na itanong na lang ni Magdalo Representative Gary Alejano sa Sandatahang Lakas kung ano talaga ang nangyari dahil hindi naman ito magsisinungaling sa mambabatas dahil dati siyang kasapi nito.
Anya pa, mas mabuti ito dahil masyado na lamang iniintriga ng oposisyon ang gobyerno.
Si Alejano ang nagbukas sa isyu at sinabing ang naturang paglapag ng Chinese aircrafts ay hindi umano pangkaraniwan dahil walang pormal na military agreement ang Pilipinas at China.