Pangulong Duterte, planong bumisita sa Kuwait sa Setyembre – SAP Go

Sa Setyembre planong bumisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait.

Ito ay ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.

Ayon kay Go, kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa pamahalaan ng Kuwait upang malaman ang posibleng mga petsa na mapagkakasunduan ng dalawang bansa para sa pagbisita ni Duterte.

“The Philippine government is currently working with the Kuwait government to determine mutually agreeable dates for the possible visit of the President… maybe Sept.,” ayon kay Go.

Matatandaang nito lamang buwan ay humingi ng paumanhin ang pangulo sa Kuwait sa matatalim na salitang kanyang binitiwan sa kasagsagan ng diplomatic row ng Pilipinas at naturang arab state.

Inanunsyo rin ni Duterte na nais niyang tumungo sa bansa para personal na ipahayag ang kanyang pasasalamat sa Kuwait para sa pagtugon sa kanyang demands para sa Overseas Filipino Workers.

Read more...