Davao Occidental, niyanig ng magkahiwalay na lindol

Magkahiwalay na lindol ang tumama sa Davao Occidental Linggo ng gabi at madaling-araw ng Lunes.

Magnitude 4.5 na lindol ang naitala ng Phivolcs alas-11:30 Linggo ng gabi sa bayan ng Sarangani.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 13 kilometro Silangan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 62 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Alabel, Sarangani.

Samantala, alas-2:16 naman kaninang madaling araw ng tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa Jose Abad Santos.

Ang episentro ay naitala sa 111 kilometro Silangan ng naturang bayan.

May lalim itong 77 kilometro.

Parehong tectonic ang dahilan ng mga pagyanig.

Hindi naman inaasahan ang mga kasunod na pagyanig at pinsala sa mga ari-arian.

Read more...