Dahil sa gagawing transport-strike ng iba’t ibang grupo ngayong araw (June 25), nag-anunsyo na ang ilang lokal na pamahalaan at mga paaralan ng suspensyon ng klase.
#WalangPasok sa lahat ng lebel sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa mga sumusunod na lugar:
Sa Albay Province:
– Camalig
– Daraga
– Guinobatan
– Jovellar
– Legazpi City
– Libon
– Ligao
– Malilipot
– Oas
– Pioduran
– Polangui
– Sto. Domingo
– Tobaco
Mga paaralan:
– Divine Word College of Legazpi
– Polytechnic Institute of Tabaco
– University of Santo Tomas (UST-Legazpi)
Ang tigil-pasada ay pangungunahan ng mga grupong PISTON at No To Jeepney Phase Out Coalition.
Magsasagawa rin ng protesta ang mga grupo sa punong tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa Quezon City upang muling tutulan ang jeepney phase out program ng gobyerno.