VP Robredo, tinawag na “anti-poor” ang pag-aresto sa mga tambay

Tinawag ni Vice President Leni Robredo na anti-poor ang paghuli ng mga pulis sa mga tambay sa lansangan.

Ayon kay Robredo, mistulang nagbigyan ang mga law enforcement ng lisensya upang makapang-abuso.

Dahil dito, nanawagan ang bise presidente sa mga opisyal ng komunidad at mga abogado na magtulung-tulong sa kasagsagan ng “tambay arrests.”

Ang mga lider aniya ng komunidad ay kailangang protektahan ang human rights ng mga mamamayan, habang ang mga abogado aniya ay marapat ding bumuo ng grupo o magkaisa.

Umapela rin siya sa mga tao na maging mapagmatyag laban sa naturang crackdown at alamin dapat nila ang kanilang karapatan upang maiwasan ang abuso.

Sinabi ni Robredo na ayaw niyang maulit ang anumang uri ng karahasan na nangyari sa anti-drug war ng Administrasyong Duterte.

Giit ng bise presidente na kung hindi makikialam ang mga tao, lalong darami ang kaharasan na mangyayari sa ating bansa.

Pinuna rin nito ang paiba-ibang statement ng mga nasa gobyerno na hindi aniya nakakatulong at lalo lamang nagbibigay ng kalituhan.

Kamakailan ay nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi raw niya direktang ini-utos sa Philippine National Police ang pag-aresto sa mga tambay.

 

Read more...