Haze mula Indonesia, nakarating na sa Mindanao

 

Mula kay Karlos Manlupig/Inquirer Mindanao

Maging ang ilang mga siyudad at bayan sa Mindanao ay apektado na rin ng ‘haze’ na pinaniniwalaang nanggaling pa sa bansang Indonesia.

Ayon kay Gerry Pedrico ng PAGASA Southern Mindanao, kanilang namonitor ang pag-iral ng makapal na ‘haze’ sa Davao City simula pa nitong nakalipas na October 17.

Ito aniya ay nararanasan din sa General Santos City, Cagayan de Oro City at mga kalapit na lugar.

Gayunman, wala aniyang dapat ikabahala ang publiko sa posibleng epekto nito sa kalusugan dahil kusa din naman itong mawawala.

Paliwanag ni Pedrico, nagsimula ang ‘haze’ sa mga wildfire sa Sumatra, Indonesia at napadpad lamang sa Mindanao.

Nakaapekto din aniya ang bagyong ‘Lando’ na tumama sa Luzon sa naturang ‘haze’ upang mapadpad ito sa Pilipinas.

Read more...