Dagdag pondo para sa disaster response ihihirit ng PNP

 

Kuha ni Jun Corona

Balak ng Philippine National Police na humiling ng karagdagang pondo upang mapalakas ang kanilang disaster response operations.

Ito ang nais na isulong ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez matapos na lumutang ang kanilang kakapusan ng gamit sa pagtugon sa panahon sa mga biktima ng bagyong ‘Lando’.

Paliwanag ni Marquez, walang pondo ang PNP pagdating sa pagtugon sa mga kalamidad tulad ng bagyo dahil tanging ang crime prevention at crime solution lamang ang pinaglalaanan ng budget ng Department of Budget and Management.

Karamihan aniya sa kanilang mga kagamitan sa disaster rescue and response ay mga bigay o mga donasyon mula sa mga local government units.

Kaya para sa kanilang 2017 budget, balak nilang humiling ng karagdagang budget para dito.

Ang PNP aniya ay kalimitang nangunguna rin sa pagtugon sa mga kalamidad kaya’t mas makabubuti kung kumpleto rin sa kagamitan ang mga alagad ng batas pagdating sa disaster rescue and response.

Malaki aniya ang maitutulong ng disaster equipment upang makatulong sa pagsaip ng buhay ng mga sibilyan sa panahon ng bagyo, baha at iba pang natural calamity.

Read more...