UPDATE: Agusan del Norte, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Agusan del Norte 5:41 ng hapon ng Linggo.

Sa earthquake information number 3 na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs 11:13 ng gabi, itinaas ang naitalang mga intensity.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay naitala sa layong pitong kilometro Kanluran ng Tubay, Agusan del Norte.

May lalim itong limang kilometro at tectonic ang origin.

Naitala ang Intensity V sa Tubay at Cabadbaran City sa Agusan del Norte.

Intensity IV sa Jabianga at Santiago sa Agusan del Norte at Butuan City.

Intensity II sa Mainit at Placer sa Surigao del Norte; Gingoog, Misamis Oriental at Cagayan de Oro City.

Intensity I at Instrumental Intensity II naman ang naramdaman sa Surigao City.

Hindi naman inaasahan ang pinasala sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

Read more...