Ilang lugar sa Imus, Cavite, nawalan ng suplay ng tubig

 

Inanusiyo ng Utility concessionaire Maynilad Water Services Inc. ngayong araw ng Linggo na mararanasan ang emergency water interruption sa ilang bahagi ng Imus, Cavite.

Magiging mahina ang suplay hanggang sa posibleng mawalan ng tubig mula alas 8:00 umaga ng June 24 hanggang ala 1:00 ng madaling araw ng June 25.

Ayon sa advisory ng Maynilad, ang maduming suplay ng tubig mula sa Ipo Dam ang nagbunsod sa kanila para bawasan ang produksiyon ng tubig sa kanilang treatment plants.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang mga sumusunod:

– Bahagi ng Brgy. Anabu I-A to I-F
– Anabu II-A to II-F
– Bukandala I to Bukandala V
– Bayan Luma I to Bayan Kuma IX
– Carsadang Bago I-II
– Malagasang I-A to Malagasang I-G
– Malagasang II-A to Malagasang II-E
– Malagasang II-G
– Poblacion I-A to Poblacion I-C
– Poblaction II-A
– Poblacion III-A to III-B
– Poblacion IV-A to Poblacion IV-D
– Tanzang Luma I to Tanzang Luma VI
– Toclong I to Toclong I-C
– Imus City

Ayon pa sa Maynilad, magsasagawa sila ng kinakailangang system adjustments para maibsan ang epekto ng limitadong suplay ng tubig.

 

Read more...