Kinumpirma ng Malacañang ang paglapag ng isang Chinese plane sa Davao City kahapon (June 23).
Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nag-refuel lamang ang Chinese military aircraft na namataan sa Davao City, ang hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Paglilinaw ni Roque, ang paglapag ng eroplano ng China sa lugar ay may kaukulang permits mula sa mga otoridad.
Ang naturang Chinese plane ay lumapag sa Francisco Bangoy International Airport dakong 12:18 ng hapon ng Sabado. Pero wala pa ang isang oras ay lumipad na rin ito.
Noong June 8, 2018, isang eroplano ng gobyerno ng China ang lumapag din sa Davao City.
Subalit sa pahayag ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, hindi nito makumpirma kung ito rin ang eroplano na dumating sa Davao City kahapon.