Klase sa San Juan, Maynila suspendido bukas, June 25

Credit: San Juan City Twitter

Sinuspinde ang klase mula elementary hanggang senior high school sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng San Juan sa araw ng Lunes, June 25.

Gamit ang kanilang Twitter account, nag-post ang abiso ang lokal na pamahalaan kaugnay sa pagsususpinde ni Mayor Guia Gomez ng klase para bigyang-konsiderasyon ang mga propesor at estudyante na tumulong sa Wattah Wattah Festival activities.

Ang naturang aktibidad ay mas kilala bilang Basaan Festival.

Kasabay ng festival, ipinagdiriwang din ang Pista ni St. John the Baptist ngayong araw, June 24.

Read more...