Ang Philippine Daily Inquirer at ang GMA 7 ang mangangasiwa ng unang presidential debate para sa 2016 elections.
Gaganapin ang naturang debate sa February 21, sa rehiyon ng Mindanao.
Pinangunahan ng Commission on Elections ang proseso ng ‘draw lots’ upang madetermina kung sino sa mga media entity ang mabibigyan ng pagkakataong mangasiwa sa serye ng mga presidential at vice presidential debates.
Ang mga debate ay gagawin sa iba’t ibang panig ng bansa sa Luzon, Visayas, Mindanao at sa Metro Manila bago ang eleksyon.
Sa unang debate, sesentro ang talakayan sa mga isyu ng peace and order, poverty reduction at Charter change.
Paliwanag ni Comelec Chairman Andres Bautista, magiging dual moderator format ang debate.
Lahat aniya ng mga kandidato para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ay iimbitahan na dumalo sa debate ngunit maari rin naman silang tumanggi na lumahok dito.