Geje Eustaquio, itinanghal bilang ONE flyweight champion

Inquirer file photo

Itinanghal si Filipino fighter Geje Eustaquio bilang undisputed ONE flyweight champion matapos talunin ang Brazilian fighter na si Adriano Moraes sa Studio City, Macau.

Naging palaban ang parehong MMA fighters sa kanilang match.

Ngunit sa huli, nanaig ang ground skills ni Eustaquio dahilan para manalo via split-decision.

Ayon sa Filipino fighter, hindi niya lubos maisip na makukuha niya ang naturang championship belt nang magsimula ang kaniyang fighting career 14 taon na ang nakakalipas.

Dagdag pa nito, sinuman ay maaaring maging world champion basta’t kasama sa sistema ang drive at attitude sa laban.

Read more...