Zimbabwe pres. Mnangagwa, nakaligtas sa pagsabog sa Bulawayo stadium

AP photo

Nakaligtas si Zimbabwe President Emmerson Mnangagwa sa nangyaring pagsabog sa kasagsagan ng isinasagawang political rally sa bahagi ng White City Stadium sa Bulawayo.

Ayon sa pangulo, sumabog ang isang bagay ilang pulgada lang ang layo mula sa kanya at kay Nelson Chamis, lider ng opposition Movement for Democratic Change.

Aniya, hindi pa niya oras dahil hindi ito nagtamo ng anumang sugat.

Gayunman, batay sa ulat, aabot sa 42 katao ang sugatan bunsod ng pagsabog at kasalukuyang binibigyan ng lunas sa malapit na ospital.

Sinabi pa ni Mnangagwa na kabilang sa mga sugatan sina Vice President Kembo Mohadi, asawa ni Vice President Constantino Chiwenga, isang environment minister at deputy speaker ng parliament.

Hindi naman na nagbigay ng karagdagang detalye ang mga otoridad ukol sa pinagmulan ng pagsabog.

Sa ngayon, wala pa ring umaako ng responsibilidad sa pagsabog.

Read more...